Paano makakatipid ang Dep-Ed at mga
Magulang sa Online Schooling,
Kung magagawa ng tama ng Dep-Ed
at pagiisipang mabuti mas makakatipid pa ang Dep-Ed at ang mga magulang sa
paraang online na pagaaral. Ano ang mga kailangang gawin ng Dep-Ed?
1. Ang
Dep-Ed ay dapat gumawa ng site for every grade, (Meaning Grade 1 to 12)
2. Ang
Dep-Ed ay gagawa ng centralize module for every Grade (Grade 1 to 12) iisa lang
dapat para sa buong bansa.
3. Pano
ang Sistema? Pag Grade 1 ka sa Grade 1 ka mageenrol and once enrolled
magkakaron ka ng access and password sa site ng grade 1, ganun din sa Grade 2
and so on.
4. Ano
ang makikita sa site? Centralized subject and lessons para sa lahat ng mag
aaral sa bawat Grade.
5. Pano
malalaman kung talagang natuto ang bata? Every Saturday meron silang actual
exam na gagawin sa mga schools kung saan sila located at enrolled, merong time
and slot ka ng uupuan so ang mga bata ay aware na kailangan nilang matuto and
makapasa sa pagsusulit and on time sa mga pagsusulit.
6. Pano
malalaman ang ranking ng mga magaaral sa klase? Para ma motivate ang mga bata
na magaral ng mabuti, magkakaron ng Class Valedictorian, Salutatorian etc. and
meron ding Municipal Valedictorian, Provincial, Regional and National Valedictorians
with corresponding Rewards, recognition and privileges
7. Pano
makakatipid ang Dep-Ed bilang ahensya ng gobyerno? Dahil centralize na nga ang
education system less manpower na ito, taliwas sa kinatatakutan ng mga teacher
na maaring sa kanila mapunta ang burden at mga problema nito, dito mapapadali
ang trabaho nila, maaring sa attendance na lang at exams sila magiging busy na
minsan isang lingo lang gagawin at
siguro sila ang parang hotline ng bawat class na maasign sa kanila.
8. Paano
ang mga batang walang Computer, Smartphone or Gadget para maka access ng
Internet? Dito pwedeng makatulong ang mga LGU’s Internet CafĂ©’s and Computer
shops kung matatandaan napakamura ng rate ng rent sa mga computer shops, dito pwedeng
i-tap ang mga shop owners para magturo na rin ng basic computer skills
nakakailanganin din ng bawat estudyante pagdating ng panahon na kailangan na
nilang mag apply sa trabaho dahil malamang puro computer na rin ang mga
kagamitan pagka graduate nila ang maagang pagka expose sa mga computer skills
ay malaking bentahe sa mga estudyante.
9. Pano
ang mga lugar na talagang walang Internet connection? Muli Malaki ang magiging
papel ng bawat LGU sa aspetong ito, ang bayan ng Gapan sa Nueva Ecija ay
nagsusulong na, na magprovide ng mura at mabilis na internet sa kanilang mga
nasasakupan, kung kaya ng Gapan malamang kaya rin ng ibang bayan, Political
will lang ang kailangan dahil pati naman ang kanilang lugar ay makikinabang din
pag meron ng Internet signal sa kanilang lugar.
10. Paano
makakatipid ang mga magulang sa ganitong aspeto ng pagaaral? Napakasimple kahit
nung wala pa ang Pandemic gumagasto na talaga tayo sa Baon, pamasahe at iba
pang pangangailangan ng ating mga anak sa ganitong sistema ang kakailanganin na
lang ng mga magulang ay siguruhing makakaattend ng Online classes ang kanilang
mga anak at maka exam sa bawat nakatakdang pagsusulit, dito panatag ang
kalooban mo na safe ang anak mo walang bullying or harassment na mangyayari
dahil pwede mo naman silang bantayan at maging condition ng kanilang
pribiliheyo ang standing or pagpasa nila sa klase.
11. Ito
ay ilan lamang sa mga suhestyon para maayos na makapagaral ang ating mga
estudyante sa kabila ng Pandemic, hindi tayo dapat magpatalo sa takot, maging
malikhain tayo sa pagharap sa Pandemic para lumipas ito na parang walang epekto
sa atin bagkus nakabuti pa sa atin dahil natuto tayong lumaban sa kabila ng
suliranin na ito sa buong mundo.
Tom N. Fabella
Freelance writer/
Businessman